Musika, aking natuklasang mag-isa.
Sa murang edad, hindi sumagi sa isip ko na matutong tumugtog o kumanta. Ngunit sa paglipas ng panahon, tuwing makaririnig ng mga awitin, hindi ko mapigilian ang kilgin at mamangha. Nagkaroon ako ng pakiramdam na mas mainam siguro kung ako mismo ang makagagawa ng mga tono na aking naririnig. Naglakas loob akong subukan ito.
Malaking papel ang ginampanan ng aming piano sa bahay. Tuwing walang magawa, tutugtog ako ng simpleng Do Re Mi at minsan ay mga random na nota. Mag-isa kong pinakinggan at mag-isa ring sinubukang kapain ang mga tono ng awitin upang matugtog sa piano. Makalipas ang ilang taon, umabot sa punto na nakababasa na ako ng mga chords at piyesa at nakatutugtog na rin ng gitara at drums. Naging libangan at pampatanggal ng pagod ang tumugtog sa bahay at maging sa aming paaralan. Umabot sa puntong nagamit ko rin ang talentong ito noong maging piyanista ako ng aming koro sa hayskul.
Sa aking pagkatutong tumugtog ng instrumento, SP meron ba?
Ang pagkanta sa una ay pangangailangan lamang sa akin. Sa aming paaralan, kailangang pumili ng club sapagkat parte ito ng kabuuang grado at sa isang koro ako nakapasok. Unti-unti ay natutunan ko nang maappreciate ang pagkanta kumpara sa pagiging obligasyon nito dati. Naging parte ako ng boses na bass hanggang makarating ako ng ikaapat na taon. Sa taon ding ito, ako ang hinirang nilang choir master sapagkat napalago ko na ang kaalaman ko sa pag-awit. Naging hamon sa akin ang paghasa at ang pagbuklod ng mga boses ng mga miyembro ng koro namin noon. Nagpatuloy ang aking kaalaman hanggang kolehiyo nang sumali ako ng mga koro sa kolehiyo tulad ng Himig Buklod.
Sa paglago ng aking kaalaman sa pagkanta, SP meron ba?
Sa pagkatuto ko ng sining ng musika, hindi ko mapigilian ang mapaisip sa kung saan ito nagmula. Inisip ko kung ipinanganak ba ako na may pagkiling na sa musika o produkto ba ito ng lipunan o paghubog ng iba. Sa una nakuntento ako sa sagot na marahil nasa akin na ito mula noong ako ay ipinanganak sapagkat ang pagkatuto ng musika ay nagawa ko nang mag-isa, walang pormal na pag-aaral at kusang pinagtrabahuhan. Sa mga panahong ito, inaamin ko na masyadong naging mababaw ang aking pananaw sa mga bagay-bagay, ipinatungkol ang lahat ng papuri sa akin at tila nagkaroon ng labis na tiwala sa aking sarili.
Ngunit sa pagdaan ng panahon, sa patuloy na pagninilay at sa pagtatagpo namin ng Sikolohiyang Pilipino, mas nakikita ko na ngayon ang kabuuang larawan sa aking kaalaman ng musika: may papel ang iba, hinubog ako ng lipunan.
Sa pagtugtog ng piano, ang papel ng ibang tao ay naging mahalaga pala: ang aking nanay na may kaalaman din sa piano at gitara na habang tumutugtog noong bata ako ay nabibigyan ako ng saya (Siya pala ang aking inspirasyon), aking tito na paminsan-minsang tumutugtog ng piano sa bahay na aking pinagmamasdan sa kanyang pagtugtog ng chords at kinapupulutan ko ng technique (Siya pala ang nagsilbing guro sa akin kahit di-tuwiran), ang mga piyanista sa aming koro dati na kung saan ko namasdan ang pagtugtog gamit ang piyesa (Sila pala ang kaibigang naging gabay ko sa pagkatuto), at ang koro kung saan ako ang naging piyanista (Ito pala ang nag-udyok sa akin na ipagpatuloy ito).
Sa pagkanta marami ring indibidwal ang nagkaroon ng mahahalagang papel sa pagkatuto ko nito: marahil ang aking mga magulang na sa paghele nila noong ako ay sanggol ay doon ko napupulot ang unang kaalaman ko sa pagkanta (Sila pala ang unang nagpakilala sa akin ng musika), ang lolo ko na dati ay pinapakanta ako upang siya ay makatulog (Siya pala ang isa sa mga inspirasyon ko), ang koro noong hayskul na kung saan ako naging puno (Sila pala ang nagbigay ng hamon kung saan pinaghusay ko ang aking kaalaman), ang Himig Buklod na nakasama ko ngayong kolehiyo (Sila pala ang nagpakita na may kasiyahan sa musika at mas magiging mahusay ang pagkanta kung magkakaisa).
Tunay ngang hindi maaaring ihiwalay ang sarili sa lipunan sapagkat patuloy kang hinuhubog nito. Kahit sa di-tuwirang paraan, maraming naibibigay na kaalaman at mahahalagang impluwensiya ang iba sa pagkatuto mo ng isang bagay. Hindi mo maaaring ikaila na sa iyo lahat galing kung ano ang meron ka sapagkat may papel ang mga nakapaligid sa iyo sa kung ano ang narrating mo ngayon.
Musika, aking tutuklasin nang may kasama.
-Mac Manalang
Bukid
UP Buklod-Isip
ABa(3De)KaDaNaPaLa!
Ngayong Agosto 2011, malugod namin kayong inaanyayahan na makilahok sa Buwan ng Anibersaryo ng BUKLOD-ISIP!
BALIKAN ANG HAMON. IPAGPATULOY ANG PAGTUGON.
My family and I barely managed to escape Falcon’s wrath today, in our return trip to Manila from Dagupan, Pangasinan after my grandmother’s interment. However, as per usual, we have mandatory home calls to do. Usually, we’d just knock in our relatives’ gates, ask blessings from the lolos, lolas, titos and titas and sit for some time in the family room of each house while the older parties catch up. Today’s particular home call was no different, save for a few things- rain, an actively mediating tita and more rain.
Of course, the grandparents we were visiting were a lot more older than they were during our last visit- the mediating tita allowed for a smoother flowing conversation only periodically punctuated by ‘Who’re you again?’s and ‘Where do you live?’s. Based on previous experience, we wouldn’t have stayed longer than 20 minutes in that particular house, but then again, there was no mediating-aunt-(who’s-a-psych-grad-apparently)-and-is-in-her-70s factor.
I wouldn’t dare go to the details, as I’ve activated selective listening by the time she made a familiar retort to ‘I study in UP’, but besides maintaining her collection of stereotypes- what Filipino values should be, UP vs. ADMU, good/bad breeding, my mediating relative confirmed a few things.
First, how ‘common sense’, ‘folk psychology’ and failure to recognize one’s biases, remain at large as barriers of instilling motivation in research about the Filipino psyche. Second, the enormous difficulty (and near impossibility) of a paradigm shift. I could bet my month’s allowance on how my aunt would continually find problems to pin on a person just because he/she was a product of public education.
Needless to say, there is much work to be done. SP has only been around for so long, but I believe that it is the key to, if not entirely shaking the very foundations of conventional Philippine psychology, then at least, enlightening ‘experienced’ practitioners that it never hurts to be in line with the times and the current developments in the discipline so that they would consider a multitude of factors before blaming all risky behavior to breeding and choosing public over private education.
Sinuri namin ang isang teksto para sa PanPil 19. Ang teksto na ito ay halaw sa Epiko ng Hinalawod. Ang pamagat nito ay Humadapnon: Ang Paghahanap kay Nagmalitung Yawa. Nagtataglay ang teksto ng ilang tipikal na katangian na makikita sa isang epiko. (May matipunong bida na naglalakbay at nagkaroon ng malulupit na adventure. Lahat ng iyon ay ginagawa niya para mapuntahan ang isang magandang dilag para gawing asawa.)
Ang nakakatuwa sa teksto na iyon ay mula sa kopya na ibinigay ng aming propesor ay pipili ka ng katapusan na sa tingin mo ay nararapat para sa kwento. Kapag nakapili ka na at inilahad mo ang dahilan kung bakit, tsaka na niya sasabihin ang totoong wakas ng kwento. Ang una ay nagdedetalye na matapos iligtas ni Nagmalitung Yawa si Humadapnon ay nahulog ang kaniyang loob at pumayag na maging asawa ni Humadapnon. Ang ikalawa ay nagdedetalye na matapos niyang tulungan si Humadapnon ay inalok si Nagmalitung Yawa ng mga tauhan nito na pakasalan ang amo nila. Tumanggi si Nagmalitung Yawa sapagkat maligaya naman daw siya sa kanyang pag-iisa at tsaka gamit ang kapangyarihan niya ay umalis.
Pinili ko yung pangalawa. Dahilan ko? Para cool at maiba naman sapagkat nararamdaman ko na sa loob-loob ko ay yung una yung tama. Karamihan sa mga kaklase ko ay yung una yung pinili.
Tama yung pangalawa. ☺
Ang kapainsin-pansin dito ay may ideya na ang mga ninuno natin na hindi kinakailangan ng isang lalaki para makumpleto ang buhay ng isang babae. Sapat na ang pagiging babae para sa lipunan. Mataas pa nga ang tingin sa mga babae! Pero dulot ng impluwensiya ng mga dayuhan ay natanggal ito sa ating kamalayan hanggang sa dumating sa punto na kung saan normatibo na sa kasalukuyang lipunan ang pag-pabor sa isang kasarian. Sobra at kumpleto ang pag-denigrate sa kultura natin na nagging patriarkal tayo at nagkaroon ng isyu tungkol sa opresyon at diskriminasyon. Hindi na bago ang peminismo sa atin. Hindi natin kailangan ito dati. Impluwensya ng dayuhang mananakop ang mapanghati at mapang-api na paraan ng pamumuhay. Nakakamangha lang. (Masama nga yung nangyari pero nakakamangha pa rin na alam nila kung paano mamanipulahin ang mga tao para sa kapakanan lamang nila).
Nakaktuwa rin na kitang-kita talaga o salient, kahit sa klase pa lang namin, ang pagkiling sa ganung pag-iisip. Malayong-malayo at malabong-malabo para sa ibang tao ang ideya na tatanggihan ni Nagmalitung Yawa ang alok sa kanya na kasal. Na-sosocialize talaga ang ganung pag-iisip sa atin.
Oo, naisip ko ito lahat nung araw na iyon.
- Prima Ester Medina,
Bukid
UP Buklod-IsipBrofist sabay chestbump.
But kidding aside, naaalala ko pa ‘to nung pinag-aralan namin ‘to sa Kas1 (oo, may natutunan ako sa Kas1!); na yung ideya ng patriarchy ay isang pamanang kolonyal na nadala na natin sa kasalukuyang panahon.
^Actually. :) Sa Soc Sci 3, sa tulong ng prof ko (na Kas2 prof), idiniin yan para sa akin- by citing examples na ang lalaking hindi kayang magperform (kung saan, alam na) at magpasaya ng babae hindi nakakaangat sa buhay. Sabi pa nga, ng dumating ang mga kastila, naabutan nilang may coughcockcoughringcough ang sangkalalakihan :))
Mahirap ibenta.
Hindi dapat mahirap ibenta kasi, kung tutuusin, mga karanasan nila ang tinutukoy nito. Tayo ang hindi magaling sa pagpapakilala o kulang pa ang ginagawa kaya hindi pumapatok at hindi maintindihan na ang kwento natin ang pinaghuhugutan nito.
Kilig na pa-cute…
Kilig na pa-simple…
Kilig na dapat pigilan…
Kilig na di mapigil…
Kilig na winner!
Kilig na ginagawa pag mag-isa
Kilig na ginagawa sa harap ng friends…
Kilig na normal…
Kilig na hindi na normal… as in WAGAS! parang end of the world na!!!… =D
Tengene
^just shows how complex ‘kilig’ can be <3 Ang sarap gawan ng pag-aaral. Teehee.
Noong nakaraang sembreak lang ay nagkausap kami ni Warden, isang ‘Kanong pastor na madalas nagpri-preach sa munting komunidad namin sa La Union. Psychologist pala siya dati. Nahalina sa ganda ng Pilipina at nagpasyang magpakasal at manirahan sa Pinas.
Isa sa mga napag-usapan namin ay ang patuloy na pagiging di-abot kaya ng psychology sa mga karaniwang tao. Going to your shrink? That’s cool! ang madalas umanong banat ng mga kababayan niya. Bakit daw kaya dito sa Pinas, partikular sa aming pamayanan, kung ikaw ay magpapakonsulta ay awtomatik na mayaman ka at may ekstrang kwartang pang-therapy. Kung hindi man ay talagang abnoy ka lang at nangangailangan ng agarang lunas. Eto ha, totoo ‘to, banat ba naman sa akin ng mga kaibigan ko sa probinsya: Juli, may problema ako, I-psych mo naman ako pwede? (Okay, psych 101 pa lang ang nakuha kong subject, magbolahan nalang kaya tayo, baka mas makatulong pa.)
Bagamat bukod-tangi ang makarinig ng saloobin ng isang dayuhang maalam sa psych, nakakalungkot pa ring isipin na nananatiling realidad ang pagiging malayo ng psych sa karaniwang tao. Dapat universal ang psych diba? Yung tipong walang pinipiling kasarian, edad, relihiyon, lahi, edukasyon, hanapbuhay, itsura, wika, pagkatao. Hindi lang para sa mayaman o malubhang may sakit ang psych. Dapat kapaki-pakinabang ito para sa lahat. Teka, ayoko ng psych. tunog foreign yata masyado. Tingin ko mas swak yung Sikolohiya. Sikolohiyang Pilipino.
Mga Pilipino naman tayong lahat, hindi ba? Weh, hindi rin kaya! Maraming rin kayang mga expat sa bansa, tulad nalang ni Warden. Marami rin ang hindi Pilipino sa diwa. At higit na mas marami pang ibang tao sa iba pang panig ng mundo. Pero bakit swak pa rin ang sikolohiyang Pilipino para sa lahat?
Ito ay dahil tunay na naglalayon ng unibersalidad ang Sikolohiyang Pilipino. Sa pagtingin sa mga kaugalian natin gamit ang mga pamamaraang nag-ugat sa sarili nating kultura, nakikita hindi lamang ang katingkaran ng pagiging Pilipino kundi pati na rin ang diversity at uniqueness ng lahat ng tao. Di alintana ang mga differences na patuloy na humahadlang sa (babala: cheesy) pagbubuklod ng diwa at damdamin ng sangkatauhan.
Isa pa sa nakikita kong dahilan kung bakit swak ang SP para sa lahat ay dahil tamang-tama lamang ang timpla nito ng agham at kilusan. Eto ang totoo: Ang SP, may ipinaglalaban rin. Ipinaglalaban nito ang nakararami, ang masa, ang mga naaapi, ang mga napagkakaitan ng kaalaman at kalunasan bunsod ng di-wastong bias sa mga kakaunting nakatataas, mga may salapi/may posisyon sa gobyerno at therefore may kapangyarihan. Hindi lang naman sila ang nangangailangan ng sikolohiya. Sa kabilang banda, kung ang SP ay isang purong agham lang naman, katakot-takot ang mga posibilidad na maaaring paggamitan nito. Tulad ng Pisikang ginagamit rin upang makalikha ng mga eroplanong hatid ay kamatayan mula sa kalangitan, o ng Kemistring ginagamit rin upang magpahaba sa buhay ng mga pagkain sa di-natural at mapanganib na paraan, ang SP ay maaaring maging hindi para sa lahat— kundi laban sa kanila, kung hindi ito naging isang kilusan.
Sa ngayon, maaaring tama nga si Manong Warden. Marahil ay kinakailangan pa ng kaunting panahon at maraming effort para tuluyang mailapit ang SP sa mas malawak na populasyon. Kung ang Chuck Taylors at ang mga inuming may sago nga ay pumatok, eh. Balang araw, su-swak rin ang SP sa panlasa natin. Lalo pa at sa simula’t sapul pa lang, isinaalang-alang na ang kapakanan ng lahat sa paglilikha nito.
- Juli Arguilla
HAHAHA. EVERY FUCKING TIME MAAAN -___-‘
^^ THIS.
Nothing beats a real conversation- where you can use the concept of ‘PAKIKIRAMDAM’.
A new research study paints a sobering picture for individuals raised in a poor environment.
Scientists found children from poorer families do worse in school, are less likely to graduate from high school, and are less likely to go to college.
Researchers found that differences in aptitude presented as early as age 2.
But it is not a genetic difference, rather something about the poorer children’s environment that keeps them from realizing their genetic potentials.
Past research has found that a gap between poor children and children from wealthier families opens up early in life, even before children enter formal education.
“Poor kids aren’t even doing as well in terms of school readiness — sounding out letters and doing other things that you would expect to be relevant to early learning,” said Elliot M. Tucker-Drob of the University of Texas at Austin, lead author of the paper. He and his colleagues, wanted to look even earlier — to see if they could find these differences in infants.
The researchers used data on about 750 pairs of fraternal and identical twins, from all over the country. The children’s mental abilities were tested at 10 months of age and again when they were 2 years old, with tasks like pulling a string to ring a bell, placing three cubes in a cup, matching pictures, and sorting pegs by color.
The children’s socioeconomic status was determined based on parents’ educational attainment, occupations, and family income.
At 10 months of age, children from poor families performed just as well as children from wealthier families. It was over the next 14 months that a gap emerged. By 2 years of age, children from wealthier families were scoring consistently higher than the children from poorer families.
The researchers went on to examine the extent to which genes were involved in the test scores. Among the 2-year-olds from wealthier families, identical twins, who share all of their genes, had much more similar test scores than fraternal twins, who share only half of their genes, thus indicating that genes were influencing their tests scores.
However, among 2-year-olds from poorer families, identical twins scored no more similar to one another than fraternal twins, suggesting that genes were not influencing their test scores. The researchers concluded that something about the poor children’s home life was suppressing their potential for cognitive development.
This study didn’t look specifically into why wealthy children improve more. It could be that poorer parents may not have the time or resources to spend playing with their children in stimulating ways.
A common goal of education policy is to decrease the achievement gap between poorer and wealthier children, said Tucker-Drob. “And I think the first step to achieving this goal is understanding the basis of these disparities,” he said.
The study is published in Psychological Science, a journal of the Association for Psychological Science.
This is exactly why we need to empower those who are less fortunate- to reach their full potential.
Friends VS. Best Friends
FRIENDS: Gives you their umbrella in the rain.
BEST FRIENDS: Takes yours and says, “Run - beep - run!”
—-
FRIENDS: Call your parents by Mr. and Mrs. and Grandpa, by Grandpa.
BEST FRIENDS: Call your parents DAD and MOM and Grandpa, GRAMPS!
—-
FRIENDS: Have never seen you cry.
BEST FRIENDS: Wont tell everyone else you cried…just laugh about it with you in private when your not down anymore.
—-
FRIENDS: Only know a few things about you.
BEST FRIENDS: Could write a very embarrassing biography on your life story…
—-
FRIENDS: Would knock on your front door.
BEST FRIENDS: Walk right in and say “I’M HOME.”
—-
FRIENDS: You have to tell them not to tell anyone.
BEST FRIENDS: Already know not to tell.
—-
FRIENDS: Are only through high school/college. (aka: drinking buddies)
BEST FRIENDS: Are for life.
—-
FRIENDS: when visiting, acts like a guest.
BEST FRIENDS: opens your refrigerator and helps himself.
Edited out a lot because I wanted to emphasize a few things, but most particularly the SP concept of ‘Mga Antas ng Pakikitunguhan’ or ‘Levels of Social Interaction’.
There are behaviors, especially salient in the Philippine context (biro, lambing,tampo) that are only appropriate, and by appropriate, I mean that these actions wouldn’t be misunderstood or that the social exchange outcome wouldn’t be awkward or come off as rude, only for particular levels.
┌ Pakikitungo (civility)
├ Pakikisalamuha (acquainting)
IBANG TAO ┼ Pakikilahok (participating)
├ Pakikibagay (adjusting)
└ Pakikisasama (conforming)
┌ Pakikipagpalagayang-loob (mutual trust)
HINDI IBANG TAO ┼ Pakikisangkot (involving)
└ Pakikiisa (oneness)
Interested? Read this.
| — | Where Is The Patis? by Carmen Guerrero Nakpil (via cold-nostalgia) |
“TAMPUHAN” BY JUAN LUNA one of my favorite filipino paintings/painters for lorilynn15 - hello thanks for the follow. been meaning to post this for a while now. :)
***The Tagalog term tampo has no English equivalent. Magtampo is usually translated as ‘to sulk’, but it does not quite mean that. ‘Sulk’ seems to have a negative meaning which is not expressed in magtampo. It is a way of withdrawing, of expressing hurt feelings in a culture where outright expression of anger is discouraged. For example, if a child who feels hurt or neglected may show tampo by withdrawing from the group, refusing to eat, and resisting expressions of affection such as touching or kissing by the members of the family. A woman may also show tampo if she feels jealous or neglected by her beloved. Tampuhan is basically a lovers’ quarrel, often manifested in total silent treatment or not speaking to each other.
The person who is nagtatampo expects to be aamuin or cajoled out of the feeling of being unhappy or left out. Parents usually let a child give way to tampo before he/she is cajoled to stop feeling hurt.
Usually, tampo in Filipino culture is manifested in non-verbal ways, such as not talking to other people, keeping to one’s self, being unusually quiet, not joining friends in group activities, not joining family outing, or simply locking one’s self in his or her room. x
Tampuhan by Juan Luna (by Iluminada Fajardo-Castigador)
(via popcornbutterfly)
I wonder if I could just submit this to @tumbuk, BuklodISIP’s tumblr… It screams SP but it’s not an original post. Hrmmm…
just because my car is maganda
and i have my yaya and manong driver lagi
it’s not like
i don’t like know how to ride a jeep
or make para when i ride a bus ‘di ba
why are you always making me lait?
just because my clothes are laging bago
and like they’re always from mango and zara
doesn’t mean like i got them at trinoma
or rockwell
or greenbelt
hello
this is like ukay kaya!
it doesn’t mean na
i don’t know how to make tawad
or make ipon my money
by not eating sa labas
and making uwi agad para
they won’t make me aya na to technohub
or to katip
so i can buy p250 lang na Nike
in greenhills.
so why are you always making me lait?
just because my baon is always like
pasta and chicken and beef
and i already ate na in via mare and
cafe ysabel and cibo
di naman ibig sabihin na
i never ate isaw or 6 pieces siomai or
pancit canton na instant in my life
i ate many times na before in the
kwek-kwek places in batasan kaya
with the suka the buko juice and the pipino!
my tiyan is not maselan, okay?
why do you always make me lait?
so how come you say na you’re
trying to not be mapanghati
especially to the madlang people
eh ako
just because i talk like this
and my life is not like theirs
sa akin
hindi niyo mapigilang maging mapanghati?
-Trizza Tolentino














